Monday, December 08, 2008

The Resolution That Has Not Been Filed

For the past month I've noticed the dramatic decrease in the price of gas.  From as much as P60/liter about two months ago to just P35/liter today.  Almost kalahati!

As I expected, I learned that the LTFRB issued a Consolidated Order (Case Nos. 2008-1654 and 2008-0692) dated 4 December 2008 reducing the fares of Public Utility Buses (PUBs), Public Utility Jeepneys (PUJs) and Taxis, effective 15 December 2008 up to 15 March 2009.

Dapat lang, di ba?

Eh pa'no naman mga TRICYCLES?

Well, di jurisdiction ng LTFRB yan.  Nasa Local Government Units sila, specifically, the City and Municipal Councils.

So, naisip ko, kung may fare rollback sa bus, jeepney at taxi, di ba dapat sa mga tricycles din?

So, nag-draft na ako ng resolution calling on all local sanggunians to impose a fare rollback for tricycles in light of the dramatic decrease in crude oil prices.

Imagine from as much as $150/barrel to around $50/barrel?  Mura na ng Dubai Crude.

Yung P10/trip dapat ibalik na sa P8/trip.

Before I was supposed to file the draft resolution, naghanap muna ako ng mga co-sponsors ko.

They didn't want to co-sponsor the measure.

We will surely lose votes daw.  Not only of tricycle drivers but their families as well.  

As politicians, we should just wait daw for clamor from civil society groups.

Since wala pa namang clamor, 'di daw namin kelangan aksyonan.

Haynakoh.

Politics talaga.

Sa akin lang kasi, wala naman kasing civil society group dito sa probinsya.  Wala naman consumer rights organization dito unlike sa Metro Manila.  Kami na yun.  Kami na yung boses ng tao.  Kaya nga kami hinalal, di ba?

Pero ano pa magagawa ko?  Walang gustong mag-co-sponsor sa resolution ko (except one guy), eh di matatalo din ako sa botohan.

So, i-table ko muna 'tong resolution hanggang may NGO na mag-reklamo.

1 comment:

Anonymous said...

eh di ba mas marami naman ang mga commuters at family nila kaysa sa mga drivers at pamilya nila...kung benefit lang naman eh mas makakatulong sa ming mga estudyante yan...sa dami ba naman namin...

ano ba kasi tingin ng mga kasama mo sa public service, palabigasan!?! di na sila nahiya sa yo....